Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong bibigyan special werpa vs red tape

0 108

Kinukunsidera ng Kongreso na bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte para malinis ang gobyerno mula sa red tape.

Ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa radio interview nitong Sabado, nais ng Pangulo na luwagan pa ang pagnenegosyo sa bansa para sa mga investor.

Äniya, gusto ni Pangulong Duterte na luwagan pa ang Ease of Doing Business Law para sa pagkuha ng permit ng mga investor.

Napag-usapan na umano nila ito ng ilan sa mga kasamahan niya sa Senado at nakasaad na naman sa batas ang pinaiksing panahon sa pagkuha ng mga permit para sa mga negosyante.

“Kaya lang meron dun lengthy lalo na pagdadaan sa national government `pag pinagsama-sama mo aabot pa ng 45 days hanggang 60 days so perhaps doon makakilos kami,” ani Sotto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Gusto ni Pres luwagan, may nakapagsabi sa kanya na may mga investors na gustong pumasok sa `Pinas ang target either Vietnam, Thailand o Philippines. Sabi ko nga pinaalala ko kay Presidente `yong 2 bansa na `yon parehong martial law `yon, parehong military rule ang style nun so dapat maisip ng mga investor na `pag doon kung anong sinabi ng bansa talagang sunod sila eh dito sa atin democratic so talagang mas mabuting pumunta dito. Siguro kaya gusto ng Presidente na luwagan para sa investors,” dagdag pa ni Sotto.

Ipinahayag naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri sa hiwalay na radio interview nitong Sabado, ang planong bigyan ng emergency power si Pangulong Duterte kontra red tape ngayong nasa ilalim ng state of emergency ang bansa.

“Its like an ánti-red tape emergency powers during the duration of the state of emergency to allow the President to shorten the prescribed time for government transactions for licenses and permit as well allowing, during this time to waive the requirements needed to secure these licenses and permits. With these powers he can cut short the processes and even cut the requirements needed,” paliwanag ni Zubiri.

Tila `blanket authority’ umano ito para walisin ang red tape hindi lamang sa mga ahensya ng national government kundi hanggang sa mga local government unit (LGU).

“We will also reiterate the power of the president to suspend and remove erring officials involved in red tape instead of logging in it the longer process of the CSC [Civil Service Commission] and Ombudsman. So replacements and punishment can be done quicker,” sabi pa ni Zubiri.

Leave A Reply

Your email address will not be published.