Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong bilib kay Loren

0 62

Nakatanggap ng papuri si dating Senador Loren Legarda mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang campaign rally ng PDP-Laban sa Rizal noong Martes ng gabi.

Binigyang diin ni Duterte ang mga naging kontribusyon ni Legarda para matugunan ang mga pangangailangan ng tao at ang kalidad na serbisyo na ibinigay niya sa mahabang panahon ng kanyang pagiging isang mambabatas.

“Alam niya kung bakit ko siya sinusuportahan. Ang hinahabol ko `yong utak kagaya ni Loren Legarda. Sayang kung wala `yan (sa Senado),” sabi ni Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo, hindi rin nagdadalawang isip si Legarda, dating chairperson ng Senate committee on finance, sa pag-amiyenda ng badyet lalo na kung ito’y para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Sa awa ng Diyos lahat ng hiningi ko, binigay niya to support. `Yong free irrigation (for small farmers) siya nag-sponsor, siya nagpadagdag ng suweldo ng mga pulis at sundalo, `yong free college tertiary education, at `yong sinabi kong universal healthcare. `Yan ang some of the few na achievements niya,” sabi ni Duterte.

Sa panahon ng pagiging chairperson ng Senate committee on finance, nakatanggap ang mga magsasaka ng P2 bilyong subsidya para sa irrigation services sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2017 at P2.6 bilyon sa 2018 national budget.

Sa GAA 2018, si Legarda ang co-sponsor ng joint resolution na nagdagdagdag ng base pay para sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed person.

Naglaan din si Legarda ng P8.3 bilyon sa Commission on Higher Education (CHED) budget para sa pagpapatupad ng free tuition sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng Academic Year 2017-2018, P40 bilyon para sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act in 2018, at dagdag na P250 para pondohan ang libreng matrikula ng mga medical student sa mga SUC.

Legarda bitbit ng INC

Inendorso rin ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang muling pagtakbo ni Legarda kasama ang 11 pang senatorial candidate sa halalan sa Mayo 9.

Inanunsiyo ito noong Martes sa Net 25, isang tv network na pag-aari ng INC.

“Lubos po ang aking pasasalamat sa napakalaking karangalang mapabilang sa labindalawang kandidato para senador na susuportahan ng Iglesia Ni Cristo,” pahayag naman ni Legarda.

“Kapag muling nahalal sa Senado, tutumbasan ko po ng sipag at buong pusong paglilingkod ang tiwalang ipinagkaloob ng kapatirang Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng tagapamahalang pangkalahatan kapatid Eduardo V. Manalo,” dagdag pa ni Legarda.

Samantala, inendorso rin si Legarda ng Catholic charismatic group na El Shaddai. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.