Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong bilib kay Pingris

0 321

Markado ang pagreretiro ni former Philippine Basketball Association star Jean Marc Pingris Jr. ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok dahil sinaluduhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mensahe ni Chief Executive Digong Martes ng gabi, ipinaabot niya personal na pasasalamat sa dati ring national player na ipinahayag ang retirement via Instagram noong May 25.

“I express my most heartfelt solicitations to Mr. Jean Marc Pingris Jr, on the occasion of your retirement. You have inspired millions of Filipinos to excellent dedication and love of sports,” pahayag ni Duterte.

Todo naman ang pasasalamat ng 39-anyos, may taas na 6-4 at tubong Pozorrubio, Pangasinan sa pagbati ng Presidente.

“Maraming salamat po President Duterte sa inyong walang sawang suporta sa Philippine basketball,” sey ni Pingris, kilala ring Pinoy Sakuragi at naka-16 na taon sa pro league na siyam na championship.

“Isang malaking karangalan po ang mapansin ninyo ako. It was my pleasure and an absolute honor to have served our country PH through the Gilas Pilipinas program. Maraming salamat po uli.”

Miyembro si Pingris ng Pinoy quintet na nag-gold medal sa 2003 Ho Chi Minh SEA Games, at mga nag-silver sa 2013 Pasay/2015 Changsha International Basketball Federation Champions Cup, at 2015 Taiwan Jones Cup. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.