Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong bilib pa rin kay Pacman sa boxing

0 345

Walang komento ang Malacañang sa mga naging pahayag ni Senador Manny Pacquiao kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea at sa pagtanaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng utang na loob sa China.

Hindi direktang sinagot ni Presidential Spokesman Harry Roque ang tanong hinggil sa puna ng senador at sa pahayag nitong hindi siya kuntento sa posisyon ng Pangulo sa isyu ng West Philippine Sea.

Hindj rin kumbinsido si Roque sa obserbasyon na tila mayroong pagkalas ng suporta si Pacquiao sa Pangulo kahit pa magkapartido ang mga ito sa PDP Laban.

“I think there is no falling out. Hanggang ngayon nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating Presidente sa larangan ng palakasan lalo na sa larangan ng boxing. Hanggang doon na lang po tayo,” ani Roque.

Matatandaang naglabas ng pahayag si Pacquiao kung saan sinabi nitong hindi siya kuntento sa paninindigan ng Presidente sa mga bagong kaganapan sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.