Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong binuksan lansangan sa Lucena

0 123

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Sariaya Bypass Road sa Lucena City bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas nito sa mga motorista.

Ang Sariaya Bypass Road ay isa lamang sa mga pangunahing proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyon.

May habang 742 kilometro ang proyekto na mula sa Manila South Road Daang Maharlika hanggang sa Quezon Eco-Tourism Road.

Tinatayang 15,000 motorista at mga biyahero ang makikinabang sa bagong daan sa Southern Tagalog Region at bibilis ang biyahe nang hanggang 30 minuto na lamang.

Inaasahang mabubuhay din ang ekonomiya sa lalawigan ng Quezon dahil bibilis na ang biyahe ng mga kalakal dito.

Kasama ng pangulo sa inagurasyon ng Sariaya Bypass Road sina Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at DPWH Acting Secretary Roger Mercado. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.