Abante Tonite Interactive

Digong bisita sa Vigan Palaro

1,285

Gaya noong isang taon, panauhing pandangal at tagapagsalita ulit si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremonies ng 61st Palarong Pambansa 2018 bukas, Linggo, Abril 15, sa Quirino Stadium sa UNESCO World Heritage Site na makasaysayang Vigan City sa Ilocos Sur.

Nabatid ito kahapon kay Philippine Sports Commission (PSC) Officer-In-Charge Ramon Fernandez, isa rin sa mga inimbitahan ng tagabalangkas ng taunang paligsahan na Department of Education (DepEd), pati ang kapwa niya commissioners sa PSC na sina Charles Raymond Maxey, Arnold Agustin at Fatima Celia Hicarte Kiram.

“Mahal lang talaga ni Pangulong Digong (Duterte) ang mga kabataan, lalo na mga atleta. Gusto talaga niya na maiiwas ang mga ito sa droga,” hirit ni Commissioner Fernandez, na nagtitimon sa government sports agency.

Abante Hiring – IT dep

Ang Punong Ehekutibo ang guest speaker sa 60th Palarong Pambansa 2017 na ginanap sa San Jose de Buenavista, Antique at nilahukan ng 18 rehiyon sa kapuluan ng bansa, tampok ang pagkakaloob ng unang PP Lifetime Achievement Award kay dating long jump queen Elma Muros-Posadas.

Ito na ang pangatlong pagho-host ng Vigan sa Palaro tapos na ring balikatin ang pang-anim na at ika-24 na mga edisyon noong 1953 at 1973.