Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong dadalo sa Araw ng Kalayaan selebrasyon

0 12

Personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan bukas, Hunyo 12, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Taliwas ito sa nagdaang mga taon kung saan nagpapadala lamang ng kinatawan ang Pangulo mula sa mga miyembro ng kanyang gabinete para pangunahan ang selebrasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit hindi binanggit ni Roque kung saang lugar dadalo ang Pangulo para makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bagama’t sinabing lalabas ito sa Metro Manila.

“Dadalo in person ang Presidente sa komemorasyon ng ating Independence Day, ito po sa labas ng Metro Manila but I am not at liberty to say for security reasons,” ani Roque.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.