Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong ‘di inalok ng ibang puwesto

0 108

Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Marcos Administration na maging drug czar pagkatapos ng kanyang termino.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar na sa kanyang pagkakaalam ay wala ng ibang alok sa Presidente ma­liban sa pagiging drug czar na tinanggihan nito.

“Wala na. Kasi the last offer that I saw was to head the, to become the drug czar. Pero tinanggihan niya na iyon eh. Iyon ang lumabas sa pahayagan,” ani Andanar.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang isa sa mga hangad ng Pangulo pagbaba sa puwesto ay maituloy ng Marcos administration ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga para maiiwas ang mga kabataan at hindi masira ang pamil­ya ng mga ito.

Ganito rin ang hangad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpasok ng administrasyon para magtuloy-tuloy ang momentum ng tagum­pay sa war on drugs.

Sinabi ng Pangulo sa nakalipas nitong mga talumpati na kahit hindi na siya ang lider ng bansa ay tutugisin pa rin niya ang mga drug lord dahil ayaw niyang makompromiso ang kinabukasan ng mga kabataan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.