Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong ‘di tatapatan ni Pacman na VP

0 93

Inihayag ni Senador Manny Pacquiao na wala siyang balak na tumakbo sa pagka-bise presidente dahil ang opsyon niya ay sumabak sa presidential race, tumakbong muli sa pagka-senador o kaya’y magretiro na sa politika.

“Itong tatlo ang pinagpipilian ko: either tumakbo sa highest position or magbalik sa Senado or mag-give up na sa politika,” pahayag ni Pacquiao sa panayam sa ANC.

Nang tanungin kung ito’y dahil ba sa makakalaban niya sa natu­rang posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Pacquiao na wala sa isip niyang sumabak sa VP race sa 2022 election.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa totoo lang, wala sa isip ko ‘yang posisyon na ‘yan. At katulad ng sabi ko, ano man ang maging desisyon ko, paninindigan ko at ipaglaban ko at sisikapin ko lahat ng aking makakaya para ma-accomplish ko ‘yung pangarap ko para sa taongbayan,” sabi ni Pacquiao.

Nakipag-usap na rin aniya siya noon kay Manila Mayor Isko Moreno gayundin kay Vice President Leni Robreod subalit hindi naman umano napag-usapan ang tungkol sa pagtakbo sa susunod na halalan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.