Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong gagawa ng commercial vs virus

0 136

Pumayag gumawa ng commercial si Pangulong Rodrigo Duterte para mapawi ang takot ng publiko sa COVID-19.

“Si Presidente, sa kauna-unahang pagkakataon pumayag na um-appear sa isang commercial na ang mensahe: `Ingat buhay para sa hanapbuhay’,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Hangga’t hindi po naaalis ang takot natin, hindi po magiging normal ang ating buhay dahil habang hindi tayo naghahanap-buhay, wala talaga tayong ikabubuhay,” aniya pa.

Ito’y kasunod ng survey na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino ay takot pa rin lumabas dahil sa COVID-19. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.