Abante Tonite Interactive

Digong gigil sa red tape: ‘Pag pinabalik-balik ka, barilin mo!

224

Pinayuhan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang publiko na igiit ang karapatan at magsa­lita kapag pinapabalik-balik sa kanilang transaksiyon sa gobyerno.

Sa harap ito ng natuklasang mabagal na tran­saksiyon sa mga ahensiya ng gobyerno na inaabot pa ng dalawang taon o higit pa.

Sa kanyang talum­pati sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose Del Monte, Bulacan, sinabi ng Pangulo na ayaw niya sa lahat na pinapabalik-balik ang isang may transaksiyon sa gobyerno.

Nagiging ugat aniya ito ng korapsiyon dahil napipilitan ang mga may transaksiyon na magbigay para mapadali ang pagproseso ng kanilang nilalakad sa ahensiya.

“Ang tao ‘pag paba­lik-balik… Kayo rin kasi — that’s the problem with the Filipinos — ayaw ninyong mag-assert.

Ayaw ninyong mag-ano… Konting tapang lang naman ‘yan eh. Kung kayo ay pabalik-balikin tapos magsusuplado ‘yung mga empleyado p** — sabihin mo, p***** i** ka nagbabayad ako ng buwis. Huwag mo akong ganunin,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa Davao City ay tatlong araw lang ang proseso ng pagkuha ng permit, at kapag nagtagal ay ipinapatawag ang mga opisyal at kapag hindi maayos ang dahilan ay inililipat sa ibang lugar.

Dahil dito hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na magsumbong kapag pinapatagal ang kanilang transaksiyon at kapag hindi pa rin ibigay ay pabirong sinabi na barilin na lang ang mga ito.

“Ngayon kung kayo naman bigay nang bigay, sinabi ko na nga sa inyo eh ‘pag ayaw ibigay ‘yung permit mo, barilin mo. Sabihin mo p***** i**** ‘to. Pilipino ako pinagkakuwartahan pa ako,” dagdag pa ng Presidente.