Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong hindi dinedma ng China

0 266

Pinabulaanan ng Malacañang na binalewala lamang ng China ang hiling ng Pilipinas na lumayas ang kanilang mga barko sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinaalis ng China ang 201 barko nila sa Julian Felipe Reef matapos na magkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

“Hindi po totoo na in-ignore ang ating Presidente,” wika ni Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang iniulat ng National Task Force for the West Philippine Sea na 240 barko ng China ang naispatan sa exclusive economic zone ng bansa.

“Inaasahan natin itong mga buwan na ito na mas marami pang fishing vessels na aalis diyan ‘no. Doon sa natitirang kakaunti, we’re still hoping na aalis po sila,” sabi pa ni Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.