Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong hindi kabado sa militar

0 368

Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa ulat na pagbawi umano ng suporta ng mga military general sa kanya dahil sa kawalan ng aksiyon sa mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tapat ang Pangulo sa sa Saligang Batas at kung wala siyang ginagawa para sa bansa ay matagal na sana pinatalsik ng militar.

SM food to go Banner Ad

Wala aniyang dahilan para mag-loyalty check sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil tapat ang mga ito sa republika at hindi sila sumasali sa usaping politika.

“Hindi po nababahala ang Presidente. Alam po ng Presidente na tapat siya sa Saligang Batas at alam niya na nirerespeto din ng mga kasundaluhan ang ating Saligang Batas. Sabi nga po niya, kung talagang siya ay inutil, matagal na siyang pinatalsik ng military,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.