Abante Tonite Interactive

Digong hindi papopormahin si Robredo

By
3,685

Walang magiging papel si Vice-President Leni Robredo sakaling makalusot sa kongreso at maipatupad ang f­ederal government.

Inihayag ito ni Pa­ngulong Rodrigo Du­terte sa ambush interview sa kanya sa Clark, Pampanga, ilang oras matapos ihayag ni ­Robredo sa isang press conference na puma­yag na siyang pangunahan ang oposisyon.

“Once it is implemented, they can provide a provision there that the Office of the President shall be dec­lare­d vacant, but you have to call for an election. It cannot be a succession because I have no other agenda there except that I would like the Filipino to choose a new leader­, lalo na it is a new structure and I have been an official of the structure of type of government which has been since time immemorial unitary.

“Kung siya ang mag-presidente? look I will not resign because it will make her President. My resignation is addressed to the people para makapili sila ng gusto nila. Siya, I don’t think she can ever be ready to govern a country­. Reason? Incompetence. She’s not capable of running a country like this, Philippines,” anang Pangulo.

Binuweltahan din ni Pangulong Duterte ang mga grupong nag-aakusang siya ay diktador dahil ang mga nag-iingay aniya na siya ay diktador ang mga totoong may ambisyon, kayat wala ng ginawa kundi magpahid ng ma­lisya para mapaalis ito sa puwesto.