Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong honest na korapsiyon ‘di malulusaw

0 136

Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang naging pagtaya ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mawawala ang korapsiyon sa gobyerno sa kabila nang pagsusumikap ng gobyerno na sugpuin ang laganap na katiwalian.

“The President was honest enough to admit that corruption is nearly impossible to eradicate. I agree with him. There is not a single country in the world where corruption in one form or another does not exist,” ayon kay Guevarra.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang tanggapan ni Guevarra, ang nangunguna sa pag-iimbestiga kaugnay sa korapsiyon sa gobyerno.

Ang Office of the Ombudsman naman ang nagi-evaluate ng reklamong isinampa ng task force laban sa opisyal ng gobyerno, kabilang na ang mga alkalde at personnel ng registry of deeds. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.