Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong ikokonsulta nuke plant sa mga taga-Bataan

0 221

Nais ng Malacañang na makuha muna ang pulso ng mga taga-Bataan bago pagpasyahan ang planong buksan at gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng naging pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Energy Secretary Alfonso Cusi sa Malacañang.

Sinabi ni Roque na inutos ng Pangulo na kailangan munang konsultahin ang mga taga-Bataan bago umaksiyon sa plano.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang sabi po ni Presidente, kinakailangang pag-aralan at ibalik sa ground level, tanungin ang taongbayan ng Bataan kung ano ba talaga ang gusto nila,” ani Roque.

Ang paggamit sa BNPP ang isa sa tinitingnan ng Department of Energy (DOE) para magkaroon ng katatagan sa supply ng enerhiya sa bansa.

Matagal nang nakatengga ang BNPP at kahit minsan ay hindi nagamit ito ng gobyerno dahil sa pagtutol ng mga taga-Bataan at ilang environmental group na nagsasabing mapanganib umano ito sa kapaligiran at sa kalusugan ng mga taga-Bataan.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.