Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong inatake sa puso, fake news – Andanar

0 230

Pinalagan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga balitang dumanas ng mild heart attack si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Huwag magpapaniwala sa FAKE NEWS,” saad ni Andanar sa Facebook post nitong Miyerkoles.

Ibinahagi niya ang screenshot ng isang artikulo na nagsasabing na-mild heart attack ang Pangulo at nilagyan niya ito ng “fake news” label.

Lumabas ang balita matapos kanselahin ng Pangulo ang nakatakda niyang `Talk to the People’ nitong Miyerkoles.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinansela ang public address ng Pangulo matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG). (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.