Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong interesado sa cool traffic enforcer vs model

0 277

Interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na makilala ang traffic enforcer sa Maynila na nanatiling kalmado sa kabila ng pananakit ng modelong babaeng motorista.

Sa kanyang televised address Lunes ng gabi, pinuri ng Pangulo ang traffic enforcer na nagpakita ng kahinahunan at hindi pagganti sa babaeng traffic violator.

“Kita mo naman how a government personnel would handle the situation. Nagpabugbog lang siya kasi babae not knowing na courier ‘yan. Kay kung nalaman nila na may shabu diyan, they were couriers, eh hindi ganoon ang reaksyon ng kuwan. Talagang hulihin ‘yan at kung baliin ‘yong kamay, baliin mo,” anang Pangulo.

SM food to go Banner Ad

“Eh iniipit niya ‘yong kamay ng… Tama ‘yon. Gusto kong makilala ‘yong ano you know, it was a grace under — grace under ano. Basta’t tumindig lang ‘yon doon,” dagdag niya.

Sabi ng Pangulo, maaaring maharap ang babae na tumangging paaresto pagkatapos ay pinaghahampas ang traffic aide.

Kinilala ang babaeng motorista na si Pauline Mae Altamirano, 26, mula sa Calamba, Laguna, na nahuli sa video habang sinasaktan ang traffic enforcer sa Malate matapos siyang sitahin sa hindi pagpansin sa traffic signs. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.