Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong ipinagdasal pagbangon sa pandemya

0 239

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa interfaith prayer na ginanap nitong Linggo upang ipanalangin ang pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa virtual Interfaith Prayer Meeting, ipinagdasal ng Pangulo ang gabay ng Diyos sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.

“The present Covid-19 pandemic has truly been a difficult and challenging time for all of us. In this time of trial, it is only right that we look to the Lord Almighty to guide us not only towards the path of righteousness but also to full recovery,” pahayag ng Pangulo.

Hiniling din ng Pangulo sa lahat ng Pilipino na ibigay ang buong tiwala sa Panginoon upang pagalingin ang bansa.

Kasama sa ipinagdasal ng Pangulo ang mga medical frontliner, mga health worker at mga essential worker.

Kasabay nito ay pinuri ni Pangulong Duterte ang mga nag-organisa ng prayer meeting dahil pinagkaisa aniya lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng panalangin. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.