Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong isasabong 9 gabinete sa Senado

0 524

Nasa siyam na miyembro ng gabinete ang `minamanok’ umano ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbo sa pagka-senador pagsapit ng eleksyon sa 2022.

Tumanggi naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpirmahin kung pinangalanan na ng Pangulo ang mga miyembro ng gabinete na potensyal niyang kandidato.

Iginiit ni Roque ang executive privilege bilang tugon sa report ng online news site Politiko kung saan kasama umano siyang binanggit ni Pangulong Duterte bilang posibleng pambato nito sa Senado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod kay Roque, kasama rin umano sa listahan ng mga senatorial bet ng Pangulo sina Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Trade Secretary Ramon Lopez, Transportation Secretary Arthur Tugade, Health Secretary Francisco Duque III, Labor Secretary Silvestre Bello III, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, at Presidential Peace Process Adviser at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“Alam niyo po kasi ang aming pagmi-meeting ay covered din by executive privilege. I think `yong mga bagay-bagay na `yan po dahil hindi naman po `yan kasama sa agenda will remain to be confidential. So, I cannot comment on that po,” pahayag ni Roque.

Magugunitang taong 2019, walo sa 11 inendorso sa pagka-senador ni Pangulong Duterte ang nagwagi sa halalan.

Ito’y sina dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald `Bato’ dela Rosa, longtime aide Bong Go, Senators Aquilino `Koko’ Pimentel III, Sonny Angara, Cynthia Villar, Taguig Rep. Pia Cayetano, dating presidential political adviser Francis Tolentino at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.