Digong, Katigbak magtatagpo

792

Nai-imagine na namin ang mahigpit na security sa kasalang Richard-Sarah lalo pa’t tatlong presidente ang kasama sa principal sponsors.

May magtsi-check din kaya ng temperature ng lahat ng mga darating para makasiguro kahit mostly VIP ang imbitado?

Ang netizens ay inaabangan ang posibleng pagkikita roon ni Presidente Digong Duterte at ng presidente ng ABS-CBN na si Mr. Carlo Katigbak na parehong ninong sa kasal.

Bukod sa sikat ngayong si Sir Carlo ay kabilang din sa principal sponsors ang Kapamilya execs na sina Chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes and former ABS president Ma’am Charo Santos-Concio.

Maging akward daw kaya ang eksena ‘pag nagtagpu-tagpo si Digong at ang Kapamilya bosses o posibleng magchika-chika sila sa VIP-studded event?

Curious din kami sa pagtatagpo roon ng pro-government na si Robin Padilla at ng pro-ABS-CBN network na si Angel Locsin.

Malaki ang chance na magkita ang dalawa dahil pareho silang secondary sponsors—veil si Robin (with wifey Mariel Padilla) at cord naman si Angel (with Vice Ganda).

Magiging civil kaya si Angel kay Binoe o may deadmahan na magaganap? Kasama rin nila bilang candle sponsors ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Hirit ng ilang netizens, ang listahan daw ng principal sponsors (25 pares) ay para kang nagbabasa ng mga pangalan ng kandidato sa susunod na eleksyon.

Inilabas ng isang showbiz blogsite ang detalye ng kasal, pati kung saan ito at anong oras ang seremonyas kaya hindi kami magtataka kung dagsain ito ng mga usisero.

Kalerky!!

Sarah, Richard prenup shoot, buwis buhay

Itsurang sireno at sirena sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa kanilang pabulosang underwater prenup shoot na kinunan sa El Nido, Palawan.

Parehong mahilig sa dagat ang SarChard kaya perfect ang setting ng kanilang shoot na kinarir nang husto ng team ng photog na si Pat Dy.

Sabi ni Pat sa IG post nito, bihira siyang mag-underwater shoot bilang mahirap nga itong achibin, but with Richard and Sarah na binigay lahat sa kanilang concept ay epic shoot ang kinalabasan nito.

Nakagat pala ng maliliit na jellyfish ang magdyowa, nakainom ng tubig-dagat at paulit-ulit na ginagawa ‘yung pose sa ilalim ng dagat pero game na game ang dalawa. Parehong water babies ang SarChard kaya enjoy ang mga itong lumusong sa dagat.

Kung titingnan ay parang ang dali-dali lang ng ginawa nila, pero level 100 daw ang effort nu’n, sabi ng in demand na wedding photographer.

May suot na scuba fins ang dalawa habang animo’y lumulutang sa ilalim ng dagat. Kung mermaid tails ang suot nila ay hari at reyna ng karagatan ang peg ng beautiful couple.

Bet na bet namin ‘yung romantic black & white shot nila underwater na magkadikit ang kanilang mga noo at para silang magki-kiss.

Napakaguwapo ni Chard sa kanyang prenup shoot at napaka-hot naman ng gandarang si Sarah. Sobrang couple goals talaga ang magdyowang ito.

Super-saya rin ng bridal shower ni Sarah sa Siargao na nakipagpaseksihan siya sa girl friends niyang sina Maja Salvador, Janine Gutierrez, Maggie Wilson-Consunji, Ruffa Gutierrez at iba pang ka-close niya na part ng Team Bride.

PAK!!

Vico kinantiyawan na mag-TikTok

Naaliw kami sa reaksyon ni Pasig Mayor Vico Sotto sa pinost na TikTok video ng butihing madir niya na si Ms. Coney Reyes.

Dahil dito ay kinantiyawan ng netizens si Mayor Vico na mag-TikTok na rin, but we doubt it kung papatulan ni Vico ang nasabing challenge!

PAK!!

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...