Abante Tonite Interactive

Digong kay Atong Ang: ‘Wag tayong magbolahan

4,105

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya si Gaming Consultant Charlie “Atong” Ang para itigil ang mga pasugalan nito sa Davao City.

Inihayag ito kahapon ng Pangulo bago tumulak sa India.

Ayon sa Pangulo, kinausap niya si Ang at pinagsabihang itigil ang mga pasugalan nito sa Davao at tulungan ang gobyerno na malinis ang illegal number games.

Abante Hiring – IT dep

“Ito si Atong, I was hearing, tinawag siya, tinawagan ko ‘yan siya. Sinabi ko, “Atong, ikaw ang number one na gambler dito sa Davao. Hawak mo lahat. Huwag tayong magbolahan. Pumunta ka doon sa PCSO, hintuin mo ‘yang lahat ng illegal at tulungan mo ang gobyerno. That was the only reason why I called for Atong Ang,” anang Pangulo

Binanggit din ng Pangulo na may isang dating Presidente ang gustong magtatag ng Jai Alai sa Davao City noong alkalde pa ito subalit hindi siya pumayag na magkaroon ng sugal sa kanyang nasasakupan.

Tumanggi ang Pangulo na tukuyin kung sino ang dating Presidente na kumausap sa kanya para magtayo ng jai alai sa Davao City.