Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong kay Gierran: Balik ka na lang sa NBI!

0 67

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth) president Dante Gierran na bumalik na lang sa National Bureau of Investigation (NBI) na pinanggalingan nito bago itinalaga sa state pension fund.

“Gierran used to be the NBI chief. Balik ka na doon,” sabi ng Pangulo kay Gierran na dumalo rin sa kanyang pagbisita sa bagong Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa San Fernando City,Pampanga kahapon.

“Sigurado palitan ka. ‘Yong health mo. Hanggang ngayon may intramurals pa,” ayon kay Pangulong Duterte.

SM food to go Banner Ad

Para sa Pangulo, mabuti pa aniyang bumalik na.lang ai Gierran sa NBI.

“If I were you, go back to NBI and work like hell to fight COVID, pati droga,” dagdag ng Pangulo.

Itinalaga ng Pangulo so Gierran sa PhilHealth kapalit ni Ricardo Morales kasunod ng mga alegasyon ng korapsiyon sa ahensiya. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.