Abante Tonite Interactive

Digong kay Joma: Walang Ninoy-style ‘di ka babarilin sa likod!

By
1,548

Muling hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi para mag-usap para sa kapayapaan ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa change of command ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang kahapon, sinabi ng Pangulo kay Sison na wala itong dapat na ikatakot dahil hindi siya matutulad kay dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. na binaril sa likod.

“I’m ready to give him the privilege of coming home. He does not have to worry about his safety, I will provide his…I will call maybe members of this command to protect him. If you come home, don’t worry about being killed. I will not do that. Ang sinabi ko lang and that he took offense I said: If it’s not successful then I will guarantee that he can go out of the country unhampered, unfettered, unbridled,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na ibibigay niya ang kanyang ‘palabra de honor’ basta umuwi lamang si Sison at makapag-usap sila para sa kapayapaan ng bansa.

Pero agad ipinagpauna ni Pangulong Duterte na hindi niya maibibigay ang coalition government na nais ni Sison.