Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong kumbinsidong `di matitibag political dynasty

0 407

Malabong maalis ang political dynasty sa bansa kahit pa magsulong ng panukalang batas para ipagbawal sa magkakamag-anak na maupo sa puwesto.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa dinaluhang aktibidad sa Siargao Island sa Surigao del Norte kahapon ng hapon.

Sinabi ng Pangulo na hindi lulusot sa Kongreso ang anumang panukalang batas laban sa political dynasty dahil mismong ang mga tao ang pipili kung sino ang nais nilang mamuno sa kanila.

SM food to go Banner Ad

Ginawang halimbawa ng Pangulo ang kanyang karanasan matapos ang termino sa Davao City dahil ang mga anak niya ang inindorso ng mga tao.

“It will never be passed not because we do not want it or we want it but the people, from my experience, no matter where you maybe,” wika ni Pangulong Duterte.

Matatandaang may nagsulng ng panukalang batas laban sa political dynasty sa bansa subalit hindi ito umusad sa Kongreso. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.