Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong kumpleto na bakuna

0 119

Naturukan na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Batay ito sa inilabas na mga larawan ng Pangulo kung saan si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna sa kanya sa Malacañang.

Matatandaang Sinopharm ang unang itinurok na bakuna sa Pangulo na naging dahilan para kuwestiyunin ng mga kritiko dahil wala pang emergency use authority (EUA) noon mula sa Food and Drug Administration (FDA) para sa nabanggit na brand ng COVID-19 vaccine.

Ang Sinopharm ang inirekomenda ng mga doktor ng Pangulo na angkop na bakuna para sa kanya kaya hindi ito naturukan ng mga unang brand na dumating sa bansa.

Ang second dose ni Pangulong Duterte ay ginawa Lunes ng hapon sa Malago Clubhouse sa Malacañang na sinaksihan ni Senador Bong Go kasama ang presidential doctor at nurse. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.