Abante Tonite Interactive

Digong lalong mang-aasar habang binabatikos – Palasyo

By
0 140

Malabong baguhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istilo nito sa kanyang mga talumpati partikular ang maaanghang na banat sa mga kritiko at sa Simbahang Katolika.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng sunod-sunod na banat ng Pangulo na may kasamang pagmumura sa kanyang mga kritiko.

“Diyan nga siya nanalo eh, bakit mo babaguhin. Kahit nga ganon ang estilo niya, mayroon siyang mensahe at hindi nawawala iyon sa nakikinig sa kanya,” ani Panelo.

Abante Hiring – IT dep

Hindi aniya kilala ng mga kritiko ang Pa­ngulo kaya kahit birong pahayag ay binibigyan ng masamamg kahulugan.
Sinabi pa ni Panelo na kung hindi napapansin ng mga kritiko, mas lalo silang inaa­sar ng Pangulo ang mga grupong walang ginawa kundi batikusin at maghanap ng butas sa kanyang pamamahala sa gobyerno.

“Ang problema sa kanila, hindi nila kilala si Presidente. Si Pre­sidente parang ako rin yon – sutil. The more you criticize us na wala namang problema ac­tually iyong istilo, eh di lalong gagawin para asarin ka, inisin ka,” dagdag pa ni Panelo.

Kabilang sa mga binabanatan ni Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati ay mga pari at obispo, mga human rights group pati na ang European Union at United Nations Commission for Human Rights at ang International Criminal Court.()