Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong-Leni patok sa COVID infomercial

0 251

Iminungkahi ni Senador Joel Villanueva na pagsamahin na lang sa isang infomercial sina Pangulong Rodirgo Duterte at Vice President Leni Robredo para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

“Ang isang mungkahi po natin, maglabas ng isang joint public service announcement ang Pangulo at ang Bise Pangulo. This is the kind of ad that will be effective in convincing a large part of our population that vaccines are safe,” sabi ni Villanueva.

“Ito po ang tambalang nakikita nating mabisa na pangontra sa mga fake news. Both are vaccine recipients, and are living proof that vaccines do no harm,” dagdag ng senador.

Ginawa ni Villanueva ang suhestiyon matapos ihayag ng Department of Health (DOH) na sasabihan ang mga COVID-19 vaccine recipient tungkol sa brand na gagamitin sa kanila bago ang pagbakuna para maiwasan ang pagsisiksikan sa mga vaccination center.

Ang bagong desisyon ng DOH ay lumabas kasunod ng mga ulat tungkol sa pagsisiksikan sa ilang vaccination center ng mga local government unit nitong nagdaang mga araw para makakapagturok ng Pfizer vaccine.

Sina Duterte at Robredo ay pareho nang nabakunahan. Sinopharm vaccine ang ginamit kay Duterte habang Astrazeneca kay Robredo na nakakuha ng kanyang unang dose nitong Lunes lamang. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.