Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong lodi sina Queen Elizabeth, Prince Philip sa turukan

0 89

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na magpaturok kaagad ng COVID vaccine sa sandaling mayroon ng dumating na bakuna sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos nitong makausap ang presidente kaugnay sa mga panawagang pangunahan nito ang pagpapabakuna para bumalik ang kumpiyansa ng mga Pilipino.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“His answer was “no problem I will take the vaccine as soon as it is available dahil siya nga daw po ay kailangan niyang magkaroon ng bakuna. Pero ang sabi niya hindi na kinakailangang ipakita ito sa publiko,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na gagayahin ng Presidente ang ginawa nina Queen Elizabeth at Prince Philip na pribado ang ginawang pagpapabakuna.

“He is taking the route of the British sovereign dahil naging desisyon po nina Queen Elizabeth at kanyang asawa na pribado ang pagtuturok sa kanila,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.