Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong: Magandang resulta kontra pandemya malapit na

0 120

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang ginagawang aksyon ng pamahalaan kontra sa COVID-19 pandemic ay magkakaroon na ng positibong resulta sa pagtatapos ng taon.

Aniya, “We will survive. And by the end of the year, mukhang medyo na tayong — hindi naman pinakamaganda, but magandang resulta sa pagod natin.”

Inatas pa ng pangulo ang tama at mabilis na pagsisiguro sa kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna. Inaasahang darating na sa bansa ngayong buwang ang Pfizer at AstraZeneca vaccine kontra COVID-19.

Samantala, pinasalamatan pa ni Duterte ang Kongreso dahil sa paghahain ng Bayanihan 3 bilang suporta para makabangon sa epekto ng pandemya.

Sa ilalim ng Bayanihan 3, maglalaan ang mga mambabatas ng P420 bilyong pondo para maalalayan ang ekonomiya at vaccination program ng bansa. (Prince Golez/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.