Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong: Magpabakuna na kayo, please!

0 101

Kinonsensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hindi pa nagpapaturok ng COVID vaccine na magpabakuna na para hindi makompromiso ang buhay at kalusugan ng mga mahal sa buhay at mga taong nakapaligid sa mga ito.

Ang apela ng Pangulo ay kasunod ng report sa kanya ng National Task Force Against COVID-19 na umabot na sa 13 milyong Pilipino ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa kanyang regular Talk to the People, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpaturok na para sa kanilang kaligtasan at kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

“I reiterate my appeal: Please get vaccinated as son as possible. The life you will be saving is not only your own butnof your loved ones and the people around you,” anang Pangulo.

Umapela na rin ang Presidente sa sambayanan na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols para maiwasan at mahadlangan ang pagkalat ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.