Abante Tonite Interactive

Digong magre-referee sa sigalot ng PDP-Laban

By
3,785

Magpapatawag ng caucus si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng PDP-Laban para maresolba ang sigalot ng dala­wang paksyon sa loob ng partido.

Ito’y matapos makarating kay Pangulong Duterte na may nangyaring paghahalal ng mga bagong opisyal ng partido na pinangunahan ni Rogelio Garcia.

Ayon sa ulat, pa­wang mga supporter ni Pangulong Duterte ang magkabilang paksyon kaya mahalaga umano sa Presidente na mapag-isa ang mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Pumayag umano sina Garcia at party President senator Koko Pimentel na mag-usap matapos hiwalay na kausapin ni Pangulong Duterte ang grupo ng mga ito.

Walang ibang hangad umano ang Pangulo kundi ang magkaroon ng kaayusan at pagkakaisa ang PDP-Laban sa halip na mag-away-away ang mga ito.

Matatandaang nagkaroon ng pagtitipon ang grupo ni Garcia noong Biyernes sa Amoranto Stadium sa Quezon City kung saan tinanggal si Pimentel bilang presidente ng PDP-Laban, pero hindi ito kinilala ng senador sa pagsasabing mga pinatalsik na miyembro ng partido ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Kasabay nito, nakiusap rin si Pimentel sa media na huwag pagsabungin ang PDP-Laban at ang Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kasunod ito ng ulat na posibleng maglipatan sa Hugpong ang ilang kongresistang kaal­yado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.