Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong magre-resign `pag totoong P67B kinurakot sa DOH

0 65

Magbibitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag napatunayang kinurakot ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang kinukuwestiyong P67.3 bilyong COVID-19 fund.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa national convention ng PDP-Laban sa San Fernando City, Pampanga nitong Miyerkoles ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sasabihin ko sa inyo, kung totoo man yan I will resign, P***i*** I will resign. Kung si Duque kinorap niya or anybody in the executive department, maski malayo ako sa transactions diyan, being the President of the executive department and the country, talagang mananagot ako,” pahayag ng Pangulo.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na nagsalita na ang Commission on Audit(COA) na walang nawalang pondo at walang korapsiyon subalit pilit na hinahanapan pa aniya ng butas ng Senado para siraan ang ehekutibo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.