Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong maraming kaibigang tsugi sa COVID

0 272

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa bagsik ng COVID lalo na ng Delta variant. Pagbahahagi niya, marami na siyang kaibigang namatay dahil dito.

“‘Pag nahawaan kayo, lalo na itong Delta, well, I think that you can say goodbye to the world kasi it’s a very aggressive at a very violent virus that enters your body at uubusin ‘yung lungs mo pati heart mo,” sambit niya sa isang pahayag.

“I would even advance the idea that part of your heart would also be eaten up by this virus. [A]ng pinakapaborito pala niya ‘yung lungs mo kaya [w]ala ng hangin papasok kasi ‘yung mga valves mo doon sira na,” pagpapatuloy pa niya.

Anang Pangulo, kahit mismo mga kaibigan at kaklase niya ay nadali ng bagsik ng naturang virus.

“Marami akong kaibigan, mga classmate namatay sabi sa heart attack pero dumaan ng COVID,” aniya.

“Then after a few days, after a few weeks, patay, heart attack.”

Kaugnay nito, una nang pinaalalaha­nan ng Pangulo ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID na manatili na lang sa bahay at huwag nang lumabas kung ayaw nilang madampot ng mga awtoridad.

“Itong ayaw magbakuna, sinasabi ko sa inyo, ‘wag kayong lumabas ng bahay kasi ‘pag lumabas kayo, sabihin ko sa mga pulis na ibalik kayo sa bahay niyo because you are a walking spreader,” wika niya. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.