Abante Tonite Interactive

Digong may dagdag pabuya sa mga SEAG medalist

184

Bukod sa makukuhang mga insentibo ­buhat sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic ­Committee at pribadong sektor, pagkakalooban din ni Pagnulong ­Rodrigo Duterte ng karagdagang pabuya ang mga atletang makakamedalya sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nobyembre 30-­Disyembre 11.

Isiniwalat ito Miyerkoles ni Sen. Christpher Lawrence ‘Bong’ Go.
“Maliban doon sa mandated by law, ­willing po ang Pangulo na bigyan pa sila (athletes) ng (cash) award to ­encourage them,” anang mambabatas, na hinirit na siya ng nagmungkahi nito sa Punong Ehekutibo sa asam na muling mag-overall champion ulit ang bansa sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest.

Pinanapos niyang nakagawian na rin ito ng Pangulong Digong sapul nang manungkulan nitong Hunyo 2016 kaya walang dahilan upang mahinto. (Prince Golez)