Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong may tig-isang sakong pera sa mga PDP bet

0 121

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato ng PDP-Laban sa mga lokal na puwesto na ikakampanya niya ang mga ito sa kanyang pag-iikot sa buong bansa.

Inihayag ito ng Pangulo sa panunumpa ng mga bagong miyembro at proklamasyon ng mga lokal na kandidato ng PDP-Laban kahapon ng hapon.

Subalit hindi umano niya maiisa-isa lahat dahil napakaraming lokal na kandidato.

Nagbiro si Pangulong Duterte na ang tanging maitutulong niya sa mga kapartido ay bigyan sila ng tig-isang sakong pera para masigurong mananalo ang mga ito na pinalakpakan naman ng mga lokal na opisyal ng PDP-Laban.

“I may not be really be able to attend to all your political meetings but I have committed to campaign for PDP candidate all over the country. And I will go there and that would be my way of helping you and I will also give you one sack of money to ensure that you will win,” sabi ng Pangulo.

Samantala, dapat din aniyang bigyan ng kredito ang ama ng PDP-Laban na si dating senador Aquilino `Nene’ Pimentel Jr. subalit kailangan naman umanong hanapin ang `nawawalang’ anak nito.

“You have to give credit, a big credit to the late Senator Pimentel. He is the father. But we might need to search for the child because he is nowhere to be found,” wika ng Pangulo.

Si Senador Aquilino `Koko’ Pimentel III ang tinutukoy ni Pangulong Duterte.

Matatandaang hiwalay ang paksiyon ni Pimentel sa grupo nina Pangulong Duterte kaya hindi ito kasama sa mga aktibidad ng PDP-Laban Cusi group. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.