Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong: Mga drug lord bitayin na lang

0 160

Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang masusunod, mas nanaisin niyang ibitin na lamang sa madilim na lugar ang mga mahuhuling druglord sa bansa kesa ikulong sa pambansang piitan.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na napanood niya sa Netflix na sa kabila nang pagkakulong ng mga druglord ay nakapagpapatuloy pa rin ng kanilang drug operations at nagagawang bayaran ang kanilang paglaya.
Wala aniyang pakialam ang mga drug lord kung ilang tonelada ang kanilang ipapakalat.

Kung sa bansa aniya mangyayari ito, sinabi ng Presidente na mas pipiliin niyang bigtiin na lamang ang mga ito kaysa barilin dahil mahal ang bala ng M16.

“Kung ako lang, kung mahuli kita, dalhin kita doon sa Bonifacio sa madilim na lugar diyan. I will hang you. I will not waste a bullet. Mahal ang bala ng M16 ngayon,” anang Pangulo.

Matatandaang hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na ibalik ang parusang kamatayan para maisalang sa bitay ang lahat ng mga druglord sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.