Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong muling bumuga vs Gordon! ‘Astang santo kahit nakadispalko’

0 90

Nakatikim na naman ng banat kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Richard Gordon kaugnay sa isyu ng korapsiyon.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, muling hinimok ng Pangulo ang publiko na maghalal ng mga bago at magagaling na senatoriables at huwag iboto ang mga matagal na kagaya ni Gordon na nakadispalko aniya ng pera ng gobyerno pero siya pa ang may ganang mag-akusa ng katiwalian.

Sinabi ng Presidente na gusto pa siyang idamay ng senador sa isyu ng katiwalian pero wala namang napatunayan.

“‘Yung matagal na diyan at ‘yung may nagdispalko ng pera sa gobyerno, I am referring to Gordon. Tapos ngayon siya pa ang holier than thou. Siya na ‘yung may kasalanan, siya na ‘yung may utang, tapos ako dadamayin niya,” anang Pangulo.

Kung gusto aniya nitong yumaman ay matagal na sana niyang ginawa dahil maraming oportunidad para maging tiwali at gumawa ng pera.

“Holy Gordon, kung gusto ko talagang magyaman matagal na. A thousand times over the opportunities for me to go to corruption and make money. Wala ako niyan kaya wala akong talo. Kaya nga ako ang nag-Presidente, ikaw hindi eh,” dagdag ng Pangulo.

Dahil dito muling kinulit ng Presidente ang senador na isauli sa gobyerno ang P86 million na sinisi­ngil sa kanya dahil kung hindi ay sasabihin niya sa sambayanan na dinispalko ng senador ang pera ng taumbayan.

“Gordon, pay the P86 million. Otherwise, sabihan ko ang Pilipino ngayon P86 million ng pera ninyo dinispalko ni Gordon four years ago. Hindi ito pampolitika. I’m just telling the Filipino people that huwag ninyong botohan ‘yan,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.