Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong nabagalan sa relief operation

0 152

Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng gobyerno para bilisan pa ang pamamahagi ng mga ayuda para sa mga sinalanta ng bagyo.

Ginawa ito ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Pili, Camarines Sur nitong Linggo kung saan nagkaroon siya ng situation briefing hinggil sa nagdaang bagyong `Ulysses’.

“Ang problema lang sa, historically, is that the government moves slowly, especially the national government,” pahayag ng Pangulo.

“Sa ganitong pangyayari, kung mabilisan ninyo, cut the time to something like half or more than… ‘Yan ang reklamo ng tao, especially kung ganito,” aniya pa.

Napakahalaga ng oras dahil kinakailangan aniya ng mga biktima ng kalamidad na makatanggap ng agarang tulong mula sa gobyerno. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.