Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong nabitin sa giyera vs korapsiyon, droga

0 80

Aminado si Pangulo Rodrigo Duterte na may mga maiiwanan siya mula sa mga ipinangko sa publiko na tatapusin sa kanyang termino.

Sa kanyang talumpati sa ceremonial signing ng ilang mga bagong batas sa Malacañang nitong Miyerkoles ng hapon, inisa-isa ng Pangulo ang mga hindi nito matatapos sa kanyang termino.

Kabilang aniya dito ang korapsiyon, kriminalidad, iligal na droga at ilan pang mga infrastructure project.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na marami na siyang inalis sa gobyerno at kaliwa’t kanan ang sinisibak na mga opisyal at kawani na sangkot sa katiwalian.

Sa aspeto ng kriminalidad, sinabi ng Presidente na medyo bumaba na ang antas ng krimen sa bansa.

“Mayroon din akong isang ano, hinahabol ko itong pandemic pero that would be taken care of by the next president,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.