Abante Tonite Interactive

Digong nabuhay ang galit kay De Lima, sex video ilalabas

2,677

Muling nabuhay ang inis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakakulong na si Senadora Leila de Lima dahil sa pagbatikos nito sa kontrobersiyal na ha­lik ng Presidente sa isang overseas Filipino worke­r sa South Korea.

Sa kanyang talum­pati sa Cabatuan, Iloilo kung saan namahagi ito ng mga titulo ng lupa sa mga magsasaka, si­nabi ng Pangulo na tinawag siyang bastos ng isang nakakulong na babae, pero nakalimutang mas bastos ang ginawa nito.

Tinukoy ng Pangulo ang pagkakaroon ng sex video umano ng senadora at nagbantang ilalabas ito para mabatid ng publiko kung sino ang mas bastos sa kanilang dalawa.

“There’s a lady nakakulong, sabi niya bas­tos daw ‘yung ginawa ko. Kung may screen lang kayo dito, ipapakita ko ‘yung X-rated niya. Nakalimutan niya na siya ang pinakabastos dito. You forget conveniently that you started the most, pinakabastos na magawa ng isang senador,” anang Pangulo.

Ipinaliwanag ng Pangulo sa mga taga-Iloilo na ang kanyang paghalik sa OFW sa South Korea ay ‘pang-showbiz’ lang bilang bahagi ng pag-entertain sa Filipino community sa nabanggit na bansa.