Abante Tonite Interactive

Digong nag-sorry sa mga banat vs Kuwait

By
1,902

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga masasakit na salitang binitawan niya laban sa Kuwaiti government sa kainitan ng banggaan ng dalawang bansa dahil sa mga insidente ng pang-aabuso sa mga overseas Filipino worker (OFW).

“I would say that I was harsh in my language…that was a result of an emotional outburst, but I’d like to apologize now. I’m sorry for the language that I was using but I’m very satisfied by the way how you responded to the problems of my country,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa South Korea nitong Linggo.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa Kuwait sa pang-unawa nila sa mga hininging kondisyon ng pamahalaan para muling makapagtrabaho ang mga Pinoy sa nasabing Gulf State.

Abante Hiring – IT dep

Noong nakaraang buwan ay nilagdaan ng da­lawang bansa ang kasunduan para sa proteksyon sa pagtatrabaho ng mga OFW sa Kuwait.

Matatandaan na ipinag-utos ni Duterte ang total deployment ban ng manggagawa sa Kuwai­t noong Pebrero matapos ang pagkadiskubr­e ng bangkay ni Joanna Demafelis sa loob ng freezer ng abandonadong apartment.