Abante Tonite Interactive

Digong nagdadalawang-isip sa pagbuhay ng peace talk sa CPP-NPA

By
93

Kinumpirma ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na balak bumalik sa Pilipinas ang negotiators ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sina Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Palawan na nakipag-ugnayan sa kanya ang dalawang opisyal ng CPP para makipag-usap.
Gayunman, binalaan nito ang dalawa sa posibilidad na maaresto.

“Agcaoili and Jalan­doni, I will not keep it a secret, pupunta dito, sabi nila gusto nila akong kausapin. Ang problema nila kapag nahuli sila. Sabi ko talagang huhulihin kayo,” ayon kay Duterte.

Nalaman na nagpatawag umano ng mee­ting ang Chief Executive kasama ang militar, at sa susunod na linggo ay mag-aanunsyo muli siya kaugnay dito.

“So nagtawag ako ng cluster meeting, kasali ang mga military. So what do you think? Sabi nila, baka, baka pa lang. It’s not a very big margin there, pero baka pa lang. When I go back after Papua New Gui­nea and Singapore, I will make the announcement. Usap tayo ulit kasi baka pa lang,” ayon kay Duterte.