Abante Tonite Interactive

Digong nagpaliwanag sa laban-bawing suspensyon ng rice importation

117

Hindi sapat ang ani ng mga lokal na magsasaka para tugunan ang pangangailangan sa bigas ng bansa kaya kaila­ngang magpatuloy ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.

Ito ang paliwanag ng Pa­ngulo matapos bawiin ang kautusan na suspendihin ang importasyon ng bigas at tumutok sa pagbili ng ani ng mga magsasaka kahit malugi ang gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng dalawang power plants sa Sarangani provinice kahapon, sinabi ng Presidente na hindi kayang supla­yan ng mga magsasaka ang panga­ngailangan ng mga Pilipino.

Mahalaga aniyang mayroong naka-standby na supply para hindi maulit ang nangyaring karanasan ng mamamayan na nagkaubusan ng supply ng bigas.

“Ang sinabi ko, we have to import because the produ­cer cannot fill up the requirements. It’s lacking. But there are produce that we have to sell and I said to Dar, you have to buy it maski na mataas ng konti.

They just have something there that is a reasonable pricing. Bilhin natin lahat ng kanila before we venture into this rice tariffication imports,” anang Pangulo.

Bukod dito, sinabi ng Pre­sidente na walang kasiguruhang magiging masagana ang ani dahil kalimitang dina­daanan ng bagyo ang Pilipinas at ang matinding napipinsala ay ang mga pananim ng mga magsasaka.

“To say that you stop importation, just because there are going to produce a projected number, that would be a folly because we are the window to the pacific island. There’s never a way of knowin­g how much typhoon would ravage our land, inclu­ding the rice land. And whethe­r there would be a good harvest or not,” dagdag pa ng Pangulo.

Kasabay nito nilinaw ng Pangulo na hindi siya kumiki­ling sa mga negosyante at wala aniya itong pakialam kung anuman ang mangyari sa mga ito dahil ang pangunahing concern nito ay ang kapakanan ng mga magsasaka. (Aileen Taliping)