Abante Tonite Interactive

Digong nakauwi na

255

Balik-Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang dalawang araw na pagdalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinaabot ng Pangulo sa ASEAN leaders ang concern sa posibleng epekto ng China-US trade war at hinimok ang mga ito na ayusin ang hindi pagkakaintindihan.

“President Duterte expressed concern on the impact of the US-China trade war on global growth and economic integration. He urged both sides to resolve their differences and pressed ASEAN to strengthen its commitment to a rules-based multilateral trading system,” ani Panelo.

Abante Hiring – IT dep

Binigyang-diin din ng Pangulo sa pagdalo sa ASEAN ang kapa- kanan at proteksiyon ng mga migrant wor-kers.

Muling tiniyak ng Pangulo sa mga kapwa leaders ang commitment at kooperas-yon ng Pilipinas para ikatatagumpay ng Regional Comprehensive Economic Partnership para matulungan  ang mga maliliit na bansa sa rehiyon.

Iginiit ni Pangulong Duterte ang mas lalo pang pinaigting na kooperasyon para matugunan ang problema ss terorismo, violent extremism, transnational crimes gaya ng illegal drugs at climate change.

Isinulong din ng Pangulo sa ASEAN summit ang paglaban sa marine debris o pagkalat ng basura sa karagatan at pigilan ang export ng mga basura sa mga bansa sa Asya.

“The President also pushed for enhanced regional efforts to combat marine debris and prevent the export of garbage to ASEAN countries,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang biktima ang Pilipinas sa mga basurang itinapon ng ibang mga banda gaya ng Canada at South Korea. (Aileen Taliping)