Abante Tonite Interactive

Digong namigay ng pabahay sa mga landslide victim

0 191

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony para sa pagsisimula ng konstruksiyon ng mga permanenteng pabahay para sa mga naging biktima ng landslide sa Naga City, Cebu.

Ang may 200 permanenteng pabahay ang magsisilbing relocation site para sa mga pamilya na naging biktima ng landslide noong nakalipas na taon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga itatayong pabahay ang katuparan ng ipinangako nito noong nakalipas na taon.

Libre na ang mga pabahay para sa mga benepisyaryo at ibibigay sa mga ito ang titulo ng lupa.

“Ang balay ug ang yuta ihatag na sa inyo libre,” anang Pangulo.

Ikinatuwa naman ng mga benepisyaryo ang desisyon ng Pangulo na magiging libre na ang mga pabahay para sa kanila. (Aileen Taliping)