Abante Tonite Interactive

Digong Noranian

1,558

NI: ARCHIE LIAO

Agaw-pansin ang quarantine time ng Pangulo Rodrigo Duterte nang mag-celebrate siya ng kanyang ika-75 na kaarawan kamakailan.

Hindi kapiling ng Presidente ang kanyang pamilya dahil naka-self quarantine siya.

Kapansin-pansin ang suot niyang simpleng t-shirt na may nakasulat na Superstar. Ginawang biro ito na may kinalaman umano kay Nora Aunor.

Dahil dito,maraming Noranian ang nagbunyi dahil faney raw pala ni Ate Guy si Digong.

Magandang senyales din daw ito dahil baka sa panahon ng pamumuno ni Duterte maiproklamang National Artist ang Bikolanang actress.

Tonite – Wendys Inhouse Ad