Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong, Nur nagkita sa Davao

0 223

Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa Davao City noong Lunes.

Base sa mga larawang inilabas ng Malacañang, ipinakita si Misuari kasama ang kanyang maybahay na si Tarhata. Naroroon din sa kanilang pag-uusap si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr.

SM food to go Banner Ad

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya alam kung ano ang mga napag-usapan nina Pangulong Duterte at Misuari.

Matatandaang noong 2019 ay hinirang ng Pangulo si Misuari bilang special economic envoy on Islamic affairs sa Organization of Islamic Cooperation (OIC).

“Brother Nur has occupied several positions in the past. Considered it as an honor for me to delegate you as special envoy of the government so that you can foster further lasting relationships with the leaders of the Islamic countries,” pahayag ni Pangulong Duterte.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.