Abante Tonite Interactive

Digong pagod na sa kahahabol sa mga korap

By
996

Pinag-iisipan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na bumaba na sa puwesto at huwag ng tapusin ang kanyang termino dahil pagod na umano ito

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa launching ng “Go Negosyo Pilipinas Angat Lahat” sa Malacañang sa harap ng mga bisitang negosyante.

Ayon sa Pangulo, pagod na ito sa kahahabol sa mga tiwali sa gobyerno dahil tila walang ka­tapusan lalo na at halos lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ay mayroong sangkot sa korapsiyon.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ng Presidente na unang inihayag nito ang planong pagbaba sa puwesto sa command conference na ipinatawag nito noong nakalipas na linggo.

“Ang sinabi ko sa mga sundalo at pulis, ‘Guys, I want you to know that I am thinking of stepping down because I’m tired. While I am not against or angry against anybody, my chase against graft and corruption seems to be endless and it has contaminated almost all government departments and offices.

“But I would like to assure you that for each and every department, you have a head that’s very good. But you know, every project seems to go kaput at the end of the day,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi siya nagsasawa sa pagpapaalala at pagbibigay ng babala laban sa mga tiwali sa gobyerno subalit sadyang marami pa rin ang gumagawa nito, lalo na sa mga malalaking proyekto ng gobyerno.