Abante Tonite Interactive

Digong pinalakpakan sa binuhay na peace talks sa CPP-NPA-NDF

By
1,830

Ikinatuwa ng mga kongresista ang desisyon ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista.

Nitong Miyerkoles, Abril 4, ngayong taon ay inatasan ni Duterte si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na trabahuhin ang peace talks.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, isa itong welcome development.

“There is no other­ way but to talk peace. Peace cannot be achieved by military solution alone.

The root causes must be addressed through peaceful, sincere and meaningful talks,” komento ni Alejano.

Sa kabila nito, may mga senyales ayon kay Alejano na baka palabas lang ang diskarte na ito.

Posible umanong nagbago ng isip ang Presidente dahil ramdam nito ang pressure ng lumalawak na kilos protesta mula sa sa grupo ng mga makakaliwa.

Matatandaan na noong Marso ay tinata­yang 60 kongresista ang pumirima sa isang re­solusyon na humihimok kay Duterte na muling buksan ang usapang pangkapayapaan.

Pinuri din nina Akbayan Rep. Tom Villarin, Anakpawis Rep. Ariel Casilao at Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang na­ging hakbang ng Pangulo bagama’t may kaunti silang pangamba.